Edward, sinagot: Maymay, 'lumaki na ang ulo'?

ABS-CBN News

Posted at Sep 06 2017 10:57 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Inaabangan na ang pagpapalabas ng pelikulang "Loving in Tandem" ng mga tambalang 'MayWard' at KissMarc na mga produkto ng Pinoy Big Brother: Lucky Season 7.

Pero bago pumalo sa takilya ang kanilang unang pelikula, sinagot ng apat ang ilang issue na ibinabato sa kanila.

Ipinagtanggol ni Edward Barber ang ka-love team sa isyung 'lumaki na ang ulo' ni Maymay Entrata.

"It's not true because Maymay is the most humble person I've known," ani Edward.

"May purpose po talaga kung bakit Niya [God] ibinibigay ito kaya binibigay ko lahat ng blessings," sabi naman ni Maymay tungkol sa kaniyang celebrity status ngayon.
    
Samantala, Nasasanay na rin DAW sa magulong mundo ng showbiz si Kisses Delavin na bukod sa madalas ikumpara sa kaibigang si Entrata, napupuntirya din ng bashers sa kanyang hitsura at pananalita. 

"Opening your heart to other people is like letting them in and hurting you. What will make me stay [in showbiz] is kung real ako," aniya.
    
Malaking tulong din daw sa kaniya ang ka-loveteam na si Marco Gallo.

Ikinuwento pa ni Gallo na talagang nag-effort siya para makuha ang tiwala ng mga magulang ni Kisses.

"Sobra ako nagpakumbaba at lahat ng makakayanan ko, ibinigay ko para makuha ko ang tiwala ng magulang ni Kisses."

Ipapalabas na ang "Loving in Tandem" sa Setyembre 13.

--Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.