ABS-CBN News

Kuh Ledesma's daughter, Isabella, now a recording star

Posted at | Updated as of 09/04/10 8:06 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Nagsanib-pwersa ang second generation ng ilang showbiz families Huwebes ng gabi para sa big launch ng anak ni Kuh Ledesma na si Isabella bilang isang ganap na recording star.

Bumati si Luis Manzano. Host ang anak ng "Concert king and queen" Martin Nievera at Pops Fernandez na si  Robin Nievera.

Ang anak naman ni Mr. Pure Energy Gary V. na si Paolo ang direktor ng music video ni Isabella na “I Can't Fight This Feeling Anymore.”

Si Ryan Eigenmann ang leading man niya sa music video.

Mukhang little Kuh sa estilo at anyo. Ang pagkakaiba lamang ay magaling na pintor rin si Isabella.

Ito rin ang unang public appearance ng ama ni Isabella na si Louie Gonzales matapos siyang mapawalang sala sa kontrobersyal na murder case. -- Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino