Shamcey struts stuff in Brazil for Miss U

Posted at Aug 24 2011 10:20 PM | Updated as of Aug 25 2011 11:54 AM

Pagkatapos ng 10 araw ng training sa Columbia, nasa host city na ng Sao Paulo si Shamcey Supsup.

Nagdatingan na rin ang ibang kandidata at sabak kaagad sila sa pictorials at photoshoot.

Roommate ni Shamcey sa hotel si Miss Korea.

Lahat daw ng mga kandidata, handa sa matinding kompetisyon.

"When you see those girls, they are all beautiful. They have great personality. Kung makapag-effort in the morning, full make-up, full hair, everything. We have all 4 bags, the other girls have 8,” sabi ni Shamcey.

Pero hindi nagpapasindak si Shamcey basta't bigay-todo siya sa pageant at iaalay lahat sa Diyos.

“I don’t think so much about the competition... kasi everytime I think about it, sobrang stress. All I can do is just simply do my best everytime,” sabi ni Shamcey.

Nagpapasalamat naman si Shamcey sa mga sumuporta sa kanya sa online voting.

Ang pinakamaraming boto ay papasok kaagad sa magic 15.

Puno rin ng pananabik ang nanay ni Shamcey na si Marcey Supsup.

Bibiyahe si Mrs Supsup sa Sao Paolo sa unang linggo ng Setyembre kasama ang ilang kaibigan.

May mga bilin daw si Shamcey para dalhin niya sa Sao Paolo.

“Sabi niya ‘I need more eyelashes.' '[Binibining Pilipinas Charities Inc. head Stella Marquez-Araneta] wanted me to bring more cocktail dresses for her,'” sabi ni Mrs Supsup.

Tiwala si Mrs Supsup na ibubuhos ni Shamcey ang lahat para umangat ang Pilipinas sa Miss Universe 2011.

Mapapanood nang live ang Miss Universe pageant 2011 sa umaga ng September 13 sa ABS-CBN. Dyan Castillejo, Patrol ng Pilipino