2 lives changed by AJ Perez's eyes

Posted at Aug 24 2011 10:44 PM | Updated as of Aug 25 2011 11:54 AM

Tila nangungusap ang mga mata ni AJ Perez nang ilunsad bilang "poster boy" ng Eye Bank Foundation of the Philippines.

Apat na buwan na mula nang pumanaw sa aksidente ang aktor.

Bakas pa rin ang pangungulila sa pamilya at mga kaibigan ni AJ.

Pero ikinagaan ng kanilang loob na may nabiyayaan ng paningin ni AJ.

“We miss everything about AJ,” sabi ni Gerry Perez, ama ng actor.

Nasa okasyon ang mga recipient ng cornea ni AJ.

Pag-asa ang hatid nito sa 8 taon na si Daniel delos Santos.

Himala rin sa buhay ng 28 anyos na si Lawrence Villanueva ang bagong paningin.

Noon daw apektado ang kanyang trabaho dahil sa problema sa kaliwang mata.

Ang bunsong kapatid ni AJ na si Angelo, nag-sign up na rin bilang cornea donor.

Hiling ng pamilya Perez, dumami pa ang cornea donor.

“I would love to be a donor and I would really be proud of myself to be just like my brother,” sabi ni Angelo.

Mananatiling buhay ang alaala ni AJ lalo na sa mga nabago ang buhay dahil sa kanyang cornea.