Jake Zyrus, in love sa nobyang dietitian

ABS-CBN News

Posted at Aug 23 2017 11:09 PM | Updated as of Aug 24 2017 02:42 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Matutunghayan sa 'Maalaala Mo Kaya' (MMK) ang kuwento ng buhay ni Jake Zyrus mula noong nagsisimula pa lang siyang gumawa ng pangalan bilang ang international singing sensation na si Charice.

"Iyong mga bagay na hindi ko masabi noon, malayang masasabi ko ngayon para maintindihan nila ang side ko," kuwento ng singer tungkol sa MMK episode. "The truth... It will set you free, this is the real story of Jake Zyrus."

Inamin ni Jake Zyrus na may kurot sa kaniyang puso ang taping para sa ilang eksena ng MMK.

"Dati kasi sabi ko, lesbian ako kasi I was scared to tell the world na transman ako, baka hindi nila ako maintindihan. Alam mo 'yong feeling na you're still hiding something? It made me feel minsan grumpy, umiinit ulo ko na hindi ko naman sinasadya, masakit kasi itago 'yong kung ano talaga ako," ani Jake Zyrus.

Mapapanood ang buhay ng singer sa MMK sa Sabado, Agosto 26.

Masaya naman ngayon si Jake Zyrus dahil inspired siya sa kaniyang love life.

Nabighani at muling tumibok ang puso ng singer para kay Shyre Aquino, isang registered nutritionist-dietitian.

Noong August 14, nag-post si Aquino ng picture nila ni Jake Zyrus na may caption na "I love you for who you are."

"My life is an open book, sinabi naman niya, what you see is what you get. Masaya ako, masaya kami. Iba ang nadadala ng happiness-- emotionally, physically, smooth [sailing]. -- Ulat ni Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.