Shalani mum on state of relationship with P.Noy

Posted at Aug 13 2010 11:23 PM | Updated as of Aug 14 2010 07:23 AM

Nanumpa sa Malacañang ang bagong board members ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM).

Kabilang dito sina Jose Mari Chan, Christian Bautista, Noel Cabangon, Ding-Dong Avanzado, Gary Valenciano at Ogie Alcasid.

Nahaluan naman ng katatawanan ang okasyon nang hindi sinasadyang nagkamali si OPM chairman of the board Mitch Valdez na pumunta sa podium ni President Noynoy Aquino.

Sa kanyang speech, may pabirong request naman si Pangulong Noynoy Aquino sa singer-partners na sina Ogie at Regine.

"'Pag dating naman ng panahon kayo naman ang gagawin kong ninong at ninang ko," ani Presidente Aquino.

Kasabay nito, namataan naman ang girlfriend ng President sa isang event sa Makati.

Naging mailap si Councilor Shalani Soledad sa tanong ng press tungkol sa lagay ng relasyon nila ng Pangulo.

Huling nakuhanang magkasama sina Shalani at P.Noy sa misa noong unang anibersaryo ng pagkamatay ni dating Pangulong Cory Aquino.

Dumating din sa even si Makati Mayor Jun-Jun Binay na dating naugnay sa presidential sister na si Kris Aquino.

Hiningian din siya ng reaksyon sa pagsasampa ng petisyon ni Kris para makipaghiwalay na sa mister na si James Yap.

"Let's pray for her that she'll find the happiness that she truly deserves," ani Binay.

Una nang sinabi ni Jun-Jun na bukas na siyang magmahal muli pero hindi siya sigurado kung ngayon ang tamang panahon. -- Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino