'Ang Babae sa Septic Tank' to hit theaters nationwide

Posted at Jul 29 2011 10:53 PM | Updated as of Jul 30 2011 08:56 AM

Patok sa panlasa ng Cinemalaya viewers.

Ngayon, mapapanood na rin ang Best Actress na pagganap ni Eugene Domingo sa "Ang Babae sa Septic Tank” sa mga sinehan nationwide sa August 3.

Humakot ang pelikula ng 5 major awards.

Huling-huli ni Eugene ang kiliti ng press.

Pero dinaan sa biro ni Eugene ang bansag sa kanyang “Bagong Reyna ng Komedya.”

“Hindi ako mahilig sa titolo, titolo, pero OK lang tatanggapin ko. Basta huwag lang kayo magalit,” sabi ni Domingo.

Wala na raw mahihiling pa sa career si Eugene na ipinagdiwang ang 40th birthday noong nakaraang linggo.

Nagulat naman ang press nang seryosong ipahayag ni Eugene na gusto na niyang makahanap ng mapapangasawa.

“Siguro naman nasa tamang edad na ako. Grabe naman ito sa overdue,” biro ni Domingo.

Handa raw siyang isantabi ang career para sa pag-ibig at nagbitaw pa ng linyang tumatak din sa dati niyang pelikula.

“Hihintayin pa ba nilang sabihin ko, ‘I’m just a girl floating in the septic tank, asking for you to love me’? Kailangan pa ba?” sabi niya.

Nagkataon naman na ang susunod na proyekto ni Eugene sa Star Cinema ang komedyang tungkol sa pag-aasawa, ang “Wedding Tayo, Wedding Hindi,” kasama si Toni Gonzaga. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino