Donations pour in for Dolphy Foundation

Posted at Jul 13 2012 08:59 PM | Updated as of Jul 14 2012 04:59 AM

Bilang pagsaludo sa Hari ng Komedya, magkakaroon ng tribute ang film production Sampaguita Pictures kung saan naging bahagi si Dolphy. Inaasahan na magkakaroon ng misa. Dumating na ring ang ilang mga beterong artista ng Sampaguita Pictures tulad nina Baby O’Brien, Butch Bautista at marami pang iba. Samantala, kabi-kabila ang naging pagpupugay kay Dolphy lalo't dineklara ngayong araw na National Day of Remembrance para kay comedy king. Ikinatuwa naman ng pamilya ang fund-raising activities para kay Pidol. Nagpa-Patrol, Mario Dumaual. TV Patrol, Hulyo 13, 2012, Biyernes