Erik Matti, nagbigay ng update sa pelikulang 'Darna'

ABS-CBN News

Posted at Jul 07 2017 11:49 AM | Updated as of Jul 07 2017 11:51 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

May bagong update sa pinakaaabangang pelikulang "Darna" na pinagbibidahan ni Liza Soberano. 

Ayon sa batikang direktor na si Erik Matti, patuloy pa rin ang pre-production ng pelikula.

Aminado rin si Direk Erik na matindi ang pressure nila ngayon sa pagbuo ng istorya dahil sa magiging bago ito sa panlasa ng Pinoy viewers.

Patuloy din silang naghahanap ng mga professional na gagawa ng costumes, graphics at post-production, pati na ang paghahanap ng malalaking visual effects companies. 

Pagdating naman sa costume at cast, wala pa silang final peg kung ano ang hitsura at kung sino-sino ang makakasama sa pelikula, pero asahan umano na magiging maganda ang kalalabasan ng Darna movie. 

Umagang Kay Ganda, Hulyo 7, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.