Chiz, ex-wife set aside issues for kids

Posted at Jul 05 2012 10:07 PM | Updated as of Jul 06 2012 08:29 AM

Kinuyog ng media si Senator Chiz Escudero sa kanyang pasinaya patungkol sa isyu ng annulment nila ng ex-wife niyang si Christine Flores.

Pero imbes na umiwas, kalmado niyang sinagot ang pahayag ni Christine na nararapat lang na nasa custody ni Chiz ang apat na taong gulang na kambal nilang mga anak.

“We had a good, long conversation about that. We decided set aside whatever’s bothering us or whatever it is that is going on between us. Ang importante ang mga bata. At the end of the day, we should live for that. No issue with respect to [custody]. She can see them whenever she wants to, she can be with them whenever she wants to,” sabi ni Chiz.

Ayaw lang ungkatin ni Chiz ang dahilan ng hiwalayan.

“In fact there is a penalty for any court employee who would reveal or talk about it kasi pribadong matter naman talaga iyon sa pagitan ng pamilya na baka makaapekto sa pamilya,” sabi ni Chiz.

Basta’t full-time father siya ngayon sa kanyang kambal na lagi raw niyang ipinagluluto.

Natatawa lang siya sa pagli-link sa kanya kina Heart Evangelista at Kris Aquino.

“Wala. Bahagi na iyon ng pagiging public figure siguro, gusto lang nila ding minsan makita kang umangat, makita kang mahulog, makita kang bumangon, makita kang mahulog ulit,” sabi ni Chiz.

Binisita naman kahapon si Dolphy ng kanyang biographer na si Bibeth Orteza.

“It’s another kind of pneumonia naman ngayon, hospital acquired. I’m very hopeful pa rin. Si Tito Dolphy kasi ang tibay ng puso eh. Talagang lumalaban ang puso, yang lagay na iyan, iyang puso na iyan, naipamahagi na ng marami maraming beses pero ang tibay talaga,” sabi ni Bibeth.

Taong 2008 nang ilunsad ang libro ni Bibeth na “Dolphy: Hindi Ko Ito Mararating Mag-isa.”

Ngayon, higit pa sa preparasyon sa 84th birthday ni Dolphy sa July 25, pinaplano ng pamilya Quizon at ni Bibeth ang isang musicale tungkol sa buhay ni Pidol.

“Ito parang dance musicale about that, a life of Dolphy. I’m sure it’s going to be marvelous. Ako raw FQ, feeling Quizon,” sabi ni Bibeth.

Tiyak na lalo raw lulutang sa musicale ang pagkatao ng isa sa pinakaminamahal na haligi sa showbiz. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino