Star Magic stars reunite

Posted at Jul 03 2012 11:01 PM | Updated as of Jul 04 2012 07:01 AM

Maparakrakan, pop, rap ay hataw ang Pinoy artists para sa Ang Tambayan OPM Awards 2012.

Panalong Female Artist of the Year at Album of the Year si Angeline Quinto at Male Artist of the Year si Christian Bautista.

Tie sina Vice Ganda at Anne Curtis sa Phenomenal Artist of the Year.

Wagi rin si Vice ng Best Novelty Song para sa “Ayoko Na Sa'yo.”

Best OPM Revival ang "Dahil Mahal Kita” ni Jovit Baldivino.

Hinirang naman ng Tambayani Award ang OPM icon na Juan dela Cruz band.

“Mga fans namin ang naglagay sa amin dito, hindi namin kayo makakalimutan,” sabi ni Joey Pepe Smith ng Juan dela Cruz band.

Nag-reunion naman ang Star Magic pioneers at dating “Ang TV” batchmates para sa “ASAP” guesting nila sa Linggo bilang bahagi ng 20th anniversary ng Star Magic.

Si Lindsay Custodio, proud na maybahay ni Tanauan Batangas Vice Mayor Julius Caesar Platon II.

Pastor's wife si Rica Peralejo na pinaplano nang magka-baby ngayong taon.

“Maybe we’ll get pregnant by the end of this year,” sabi ni Rica.

Ang magaling na singer na si Dianne dela Fuente ay nakapangasawa naman ng restaurant owner.

Aktibo pa rin sa pag-arte sina Jan Marini at Kaye Abad.

Masaya namang binalikan ng magkakaibigan ang alaala nung sila'y nagsisimula pa lang.

“It feels great to see everyone again,” sabi ni Lindsay.

“It brings back good memories when we were younger,” sabi naman ni Dianne.

Mula noon hanggang ngayon, nasa puso raw nila ang pag-aartista at pagiging parte ng Star Magic family.