[CMSAbstractTransformation.DataBind]: Object reference not set to an instance of an object.

EXCL: Jaclyn Jose confirms daughter's pregnancy

Posted at Jun 29 2011 11:05 PM | Updated as of Jun 30 2011 06:33 PM

Sa umpisa pa lang naluluha na si Jaclyn sa pagsagot sa isyu ng pagbubuntis ng anak niyang si Andi Eigenmann nang sadyain namin siya kanina sa taping ng “Maalaala Mo Kaya” sa Antipolo.

“I just want to tell everyone: Yes it's true, she's pregnant. Hindi madali pero kailangan kong tanggapin dahil anak ko siya at wala nang tutulong sa kanya kundi kanyang pamilya,” sabi ni Jose.

Bagamat napakasakit, nakatulong din ang pananampalataya ni Jaclyn.

"Ang unang pinuntahan ko simbahan, nanalangin ako, binigay ko sa Kanya. Sinabi ko, 'Ama, di ko kaya. Kung ano man ang desisyon mo, tatanggapin ko,'" sabi ni Jaclyn.  

Eksaktong 18 weeks 2 days nang buntis si Andi na kaka-21 anyos lang nu'ng June 25.
 
Ayaw nang pag-usapan ni Jacklyn kung sino ang ama ng bata.

“It's with her first boyfriend, wala na sila n'on. Iniwan siya nu'ng mabuntis siya. I don't want to talk about him anymore. She decided to keep the baby na, na naging proud naman ako sa anak ko. Mahal naman iyan e,” sabi ni Jose.

Kasabay nito'y humingi ng pang-unawa si Jacklyn sa lahat.

“May pagkakamaling nagawa ang anak ko. Hindi ko sinasabing tama. Huwag na lang husgahan, bigyan na lang siya ng pagkakataon tutal buhay naman niya iyan,” sabi ni Jose.

Tatapusin lang ni Andi ang “Minsan Lang Kita Iibigin.”

Sa huli, umaasa si Jacklyn na mabibigyan ng second chance ang magandang career ni Andi. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino