MayWard, nagpakilig sa kanilang 'kasal'

ABS-CBN News

Posted at Jun 25 2017 08:55 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagpalitan ng "I do" sina Maymay Entrata at Edward Barber sa "ASAP" nitong Linggo, Hunyo 25.

Nagkagulo ang fans sa kilig sa pagganap ng young stars bilang magkarelasyong magpapakasal na.

Parehong sumagot ang dalawa ng "I do" nang tanungin sila ng host na si Jolina Magdangal kung tanggap ba nila ang isa't isa bilang kapareha habambuhay.

Nagkakilala ang dalawa sa loob ng "bahay ni Kuya" sa Pinoy Big Brother Lucky Season 7.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.