FVR wants Nat'l Artist award for Dolphy

Posted at Jun 22 2012 11:19 PM | Updated as of Jan 16 2017 11:31 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Nagbabakasyon man sa Amerika, hindi nawawala sa isip ni former President Fidel Ramos ang lagay ng Comedy King na si Dolphy na sumailalim sa dialysis sa intensive care unit ng Makati Medical Center.

Umaasa si Ramos na makaka-recover pa si Dolphy dahil hiling niyang makatanggap pa si Dolphy ng National Artist award.     

“Si Dolphy, kaedad ko ‘yan, pareho edad namin, 84, and we hope that Dolphy will recover fast to receive his award because people are happy about that as far as I’m concerned and we go like this, ‘Kunin mo, kunin mo baka hindi mo na kaya,’” sabi ni Ramos.

Ganoon din ang pananaw ng kasamahan ni Dolphy sa “Home Along Da Riles” na si Bernardo Bernardo.

Pero bukod sa kontribusyon ni Dolphy sa sining, mas hindi malimutan ni Bernardo ang utang na loob niya sa Comedy King.

“I was fired from ‘Home Along Da Riles' for three times,  and it was Dolphy that would bring me back. At the same time there were offers for me to appear in other studios but because of my loyalty to this person who I adore, I stayed with ‘Home Along Da Riles,’” ani Bernardo.

Pero hindi ikinaila ni Carmi Martin, simula nang mabalitaan niyang may sakit ang Comedy King, hindi na raw siya tumigil sa pagdarasal. Katunayan, matapos humiling ng dasal si Eric Quizon  para sa ama, sinikap niyang bisitahin ang kanyang tinuturing na ama-amahan.

“Nung kinakatok ko siya, kasi hindi naman talaga puwede pumasok, sabi ko, ‘thank you, thank you.’ And I pray for his salvation,” ani Martin.

Ayon kay Carmi, malaking bahagi ng kanyang pag-aartista ay dahil kay Dolphy.

“Aside from [being part of] ‘Dolphy’s Angels,’ malaki ang naitulong niya sa industriya. Mas mabuti pa siyang tao in person, so maraming niyang tinulungan,” sabi pa ni Martin.

Sa kabila ng pagiging emosyonal, humuhugot ng lakas at pag-asa si Carmi sa balitang unti-unting bumubuti ang lagay ni Dolphy. Pero aminado ang aktres, tanggap niya ang ano mang mangyayari. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino