ABS-CBN News

Dolphy's 65 years in showbiz celebrated

Posted at | Updated as of 06/23/12 7:08 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa June issue ng StarStudio magazine, ipinagdiwang ang ika-65 taon sa showbiz ng nag-iisang Hari ng Komedya na si Dolphy.

Dito inilathala ang kanyang pagsisimula sa teatro at radyo noong dekada ’40, at ang hit TV shows, mga pelikula, at ang iba't ibang mukha ni Dolphy at mga karakter na ginampanan niya, at ang mga tropeyo at acting awards na nakamit; kung sino ang mga taong nagbigay sa kanya ng break, mga malalapit na kaibigan at mga nakasama sa industriya.

Kuwento naman ni Bibeth Orteza na may akda ng kanyang biography na "Hindi Ko Ito Narating Mag-isa," ang sinabi ni Dolphy tungkol sa mga kaibigang namayapa na.

“Sabi niya, gusto ko mag-dinner with all of my friends na nawala na like Pugo, FPJ, Nida Blanca. ‘Magkakasama ulit tayo, huwag sana agad-agad. Hasta la vista,’ sabi niya,” ani Bibeth.

Pero bakit nga ba patok at napamahal si Dolphy sa publiko?

“He did not consider himself a step or a notch higher than others, he felt kapantay niya lahat. It’s easier to identify yourself with someone na kapantay mo. Hindi mo tinitingala, at dino-Diyos,” sabi ni Bibeth.

Nakuwento rin daw sa kanya ni Dolphy noon kung bakit laging natitsismis tuwing nao-ospital siya.

“His first long hospitalization was nu'ng inoperahan siya sa puso in 1998. Ilang beses rin lumabas na namatay. He was a caring man kay maraming nag-aalala,” sabi ni Bibeth.

Sa kanyang critical na condition ngayon, ‘di makakaila na napamahal na sa sambayanan si Dolphy sa dami ng bumibisita at nagdadasal na gumanda ang kalagayan ng Hari ng Komedya.

“One of his children said, 'how strange na si daddy ang nakaratay ngayon, kasi sa maraming beses in the past, he would be there for people sa mga huling sandali ng buhay nila,'” sabi ni Bibeth.

Kahit ano pa man ang mangyari, wala raw makakapantay o makakapalit sa natamasang tagumpay ni Pidol sa sining.

“When he goes, you remember him because he made you laugh. When a country loses a Dolphy, it's with a deep sadness but a deep sense of gratitude, and you'll say, ‘Thank you, Dolphy.”