ABS-CBN News

Dolphy's biographer reveals his 'favorite' children

Posted at | Updated as of 06/22/12 7:00 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Nangingilid ang luha ng actress-writer na si Bibeth Orteza nang ikuwento ang pagbisita sa ospital kay Dolphy kagabi.

“’Pag nandoon ka sa harap ng Makati Med ngayon, you will see a whole lot of media people who are there not because they are doing their job, but because they love Dolphy. Makikita mo sa mukha ng mga cameramen, sa mukha ng mga reporters when they make the interview. It’s not a job, this is someone that they grew up with. This is someone who used to joke in one of the shows that reverberated, ‘yung nauulit. So nakikita mo talaga strongly ‘yung pagmamahal. Binabalik nila,” sabi ni Bibeth.

Pero sa harap ng pagsubok, matatag pa rin ang pamilya Quizon.

“Itong pamilya na ‘to, pagkatapos may lumuha, may magpa-punchline. I saw him through the window. I was mouthing, ‘I love you, I love you.’ Sabi ni ZsaZsa, ‘Si Bibeth.’ Nagmulat siya ng mata and then ngumiti siya, and he can really make you feel na he acknowledges you eh, he does not take you for granted. So it was enough to move me and to touch me,” sabi ni Bibeth.

Si Bibeth ang biographer ni Dolphy sa librong "Hindi Ko Ito Mararating Mag-Isa" noong 2008. Kasama rito ang kuwento ng kanyang pagsisimula sa teatro, radyo, telebisyon at pelikula.

Pero pinakamatimbang kay Pidol ang pagiging ama sa 18 anak.

“Habang may mga lumalait na hindi siya karapat-dapat, iginigiit ko at pinangatatawanan na si Dolphy ay may karapatan at karapat-dapat na mahirang na National Artist provided na dumaan din siya doon sa proseso,” sabi ni Bibeth.

At kung may favorite child daw ang Comedy King?

“Sabi niya sa’kin, ‘Bibeth, nanay ka rin. In a course of a day, umiiba-iba ‘yan eh. May gumawa ng ganito, matutuwa ka, may gumawa ng ganoon, nalulungkot ka. Pero ang palagi mong pinag-iisipan, natutuwa ka doon sa mga malalapit sa’yo.’ He’s really fond of all of his girls. ‘Yung pain niya when he lost Freddie, hindi ako makasabing naiintindihan ko ‘yung nararamdaman niya or I’m praying for him. I just held him, kasi may pain doon sa mukha niya, and then when he almost lost Vandolph in the hospital,” sabi ni Bibeth.

Hindi rin itinanggi ni Dolphy ang makulay niyang buhay pag-ibig.

“’Ang mga minahal ko ay mabibilang sa daliri ng kamay, pero ‘wag na natin bilangin ang mga fling, dahil masisira ang abacus ng Chinese,’” ani Bibeth.

At kung sino ang kanyang greatest love...

“Ang tawagan nilang dalawa, ‘lovey.’ Si ZsaZsa kasi, remember, muntikan mawala ‘yung career niya, because he really walked away from what he had here. And [people] went out of the way again to condemn him, judge him, but tinayuan niya ‘yung relationship na ‘yun and pinangatawanan niya,” sabi ni Bibeth.