Daniel, Enrique, Khalil form boyband 'Boyfriendz'

Posted at Jun 20 2012 11:51 PM | Updated as of Jun 21 2012 10:53 AM

Tingin at tindig pa lang, kinikilig na ang fans sa "Princess and I" heartthrob na si Daniel Padilla.

Sa “ASAP,” inilunsad si Daniel at dalawa pang leading men sa "Princess and I" na sina Enrique Gil at Khalil Ramos bilang bagong boy group -- ang "Boyfriendz."

Kwento ng aktor, patuloy ang panunuyo niya sa ka-loveteam na si Kathryn Bernardo. Pero mukhang maraming karibal si Daniel.

Ang cutie na cast kasi ng seryeng “Aryana,” gusto ring makapareha si Kathryn.

Kagabi sa “Bandila,” inihayag ni Dominic Roque ang kanyang paghanga sa aktres.

“Maganda rin siya at magaling din po umarte,” sabi ni Dominic tungkol kay Kathryn.

Ang karakter ni Dominic ang ka-love triangle ng mga karakter nina Ella Cruz at Paul Salas. Big break kay Dominic ang “Aryana,” pero kwento niya nagtiyaga rin siyang pumila sa auditions.

Ito’y kahit may showbiz connection si Dominic na pamangkin ng dating aktres na si Beth Tamayo.

“’Yung mga commercials na pinagpilahan ko dati, na ang-tagal namin naghihintay, and then ‘yung iba hindi ka natatanggap kahit dalawa nalang kayo,” ani Dominic.

Desidido si Dominic na ipakitang hindi lang siya good looks, kundi may ibubuga sa pag-arte.