Amalia: Pilita is Eddie's 'one true love'

Posted at Jun 19 2012 10:38 PM | Updated as of Jun 20 2012 07:33 AM

Dedmahan -- ito ang eksena sa unang paghaharap nina Ruffa Gutierrez at Amalia Fuentes sa piskal sa Quezon City Regional Trial Court kaninang umaga.

Ang isyu -- ang mapanira umanong mensahe sa Twitter ni Ruffa kontra kay Amalia.

Tikom ang bibig ni Ruffa. Giit nya, ang pagtitimpi niya sa korte ay nagpapakita kung sino ang tunay na may pinag-aralan. Hindi naman ito ikinagulat ni Amalia.

“Kung si Bianca ang nakaharap kasi may pinag-aralan ‘yun. Eh ito, I don’t expect naman na batiin niya ako. Hindi naman siguro tinuro ni Annabelle ‘yun sa kanya,” ani Amalia.

Sa counter affidavit, giniit ni Ruffa, wala siyang tinukoy na pangalan sa kanyang tweets.

“My client was only tweeting about someone else. It wasn’t about her,” ani Atty. Connie Aquino, abugado ni Ruffa.

Kadikit ng kaso kay Ruffa ang isinampang kasong libelo naman ni Amalia kay Annabelle Rama. At kung palaban kahapon si Annabelle, hindi rin umurong si Amalia.

“Puro ka demanda, wala kang trabaho. Gusto mo sumikat, magpapayat ka muna,” sabi ni Annabelle.

“Somebody should tell her, I don’t have to work. If I don’t feel like the project is nice... I will not accept a project like ‘Monster Mom,’” ani Amalia.

Patuloy pang nanganganak ang kaso sa pagitan nina Annabelle at Amalia na matagal na raw na isyu ang pinag-ugatan.

Hindi raw dapat pagselosan ni Annabelle ang kanyang pagiging malapit noon kay Eddie Gutierrez.

“Ang one true love ni Eddie, and that is coming from him, is si Pilita Corrales. Annabelle is barking at the wrong tree. I have many great loves, and unfortunately it is not Eddie Gutierrez. He never was, he never is,” sabi ni Amalia.

Sa Cebu, agad bumwelta si Annabelle.

“Talaga namang minahal ni Eddie si Pilita. Pareho kaming dalawang Bisaya. At least ako, I’m so lucky na ako ang pinakasalan. Hanggang ngayon, andiyan parin ang asawa ko. Maganda ang pamilya namin, buo ang pamilya namin. Kaya siguro naiinggit si Amalia Fuentes sa’kin. Mag-demanda ka, ‘day. Hindi ako takot sa’yo, ‘day,” ani Annabelle.

Sa korte na lang daw sila magtutuos ni Amalia. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino