Charice parties with fans in NYC

Posted at Jun 15 2011 09:28 PM | Updated as of Jun 16 2011 06:15 AM

Nakisaya si Charice sa kanyang loyal Chasters sa Bowlmor Times Square sa New York City.

Ang ibang fans niya ay mula pa sa malalayong lugar na bumiyahe pa para makita ang idolo.

Bahagi rin ang programa ng bagong endorsement ni Charice para sa isang candy brand.

Bilib kay Charice ang mga organizers ng product promotion, dahil sa isang YouTube message at isang tweet lang ni Charice, lampas 2 million na agad ang nag-like sa Facebook page ng bago niyang ineendorso.

Sinabi naman ng publicist ni Charice na lalabas na rin ang kanyang bagong album sa darating na Oktubre.