EXCL: Jennifer Holliday shares bond with Jessica

Posted at Jun 14 2012 11:54 PM | Updated as of Jun 15 2012 01:19 PM

Dahil sa kanyang performance sa “American Idol” kasama si Jessica Sanchez, dumami ang mga Kapamilyang tagahanga ng Grammy award winner at orihinal na "Dreamgirls" star na si Jennifer Holliday.

“To ABS-CBN Kapamilya, salamat po,” sabi ni Jennifer.

Pero bagama’t maraming pumuri, mayroon din ilang namintas sa kanyang dramatic facial expressions habang kumakanta.

“What a lot of people don't realize, especially this generation, is that ‘And I Am Telling You I’m not Going’ is from a play, from the Broadway musical 'Dreamgirls,'” sabi ni Jennifer.

Maagang natutong kumanta si Jennifer kasama ng kanyang ina sa church choir sa Texas kung saan siya lumaki.

Pero nag-umpisa lamang daw na mapansin ang kanyang boses NAng sumailalim siya sa tonsillectomy nu’ng siya ay 12 anyos.

“One day, my tonsil's so big, I can't talk. So my mother says, ‘Listen, this is my child, I’m gonna have her tonsils removed. I went to open my mouth to sing one day with the choir, everybody started turning around,” sabi ni Jennifer.

Dalawang beses nang nag-divorce si Jennifer at wala siyang anak.

“I never did have children, and it is something. Because I just felt so drawn to Jessica and I was, like, if I had a child, I think that she would be so much like her and definitely sound like her. We just bonded so quickly,” sabi ni Jennifer.

Aktibo si Jennifer sa volunteer at community work kung saan nakilala niya ang mga Pilipino na nagtatrabaho sa mga ospital sa Georgia.

Kamakailan ay ini-release ni Jennifer ang ang kanyang bagong inspirational song, ang "God is Faithful."

Sa ngayon, abala si Jennifer sa recording ng kanyang susunod na album, pero kung may pagkakataon, nais din daw nitong makarating sa Pilipinas sa lalong madaling panahon. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Atlanta, Georgia