Bianca Gonzalez apologizes to Amalia Fuentes

Posted at Jun 14 2012 11:25 PM | Updated as of Jun 15 2012 01:19 PM

Ikinagulat ng host na si Bianca Gonzalez ang pagkakadawit niya sa kasong libelo na inihain ni Amalia Fuentes kahapon.

Pangunahing inihabla ni Amalia si Annabelle Rama pero nadawit si Bianca dahil sa artikulong kanyang isinulat.

Paliwanag ni Bianca, wala siyang intensyong siraan ang beteranang aktres sa kanyang Valentine article tungkol kina Annabelle at Eddie Gutierrez.

Nabanggit kasi ni Annabelle ang pangalan ni Amalia sa kanyang kuwento.

Ang giit ni Amalia, hindi siya kinunan ng panig ni Bianca.

Nagpakumbaba naman si Bianca at inaming baguhan pa siya sa pagsusulat at humingi ng paumanhin kay Amalia.

“I had no bad intention noong sinulat ko iyon or when I mentioned her name for that matter. If she got hurt or if any of the people around Ms. Amalia got hurt, I would like to apologize,” sabi ni Bianca.