Gabby to star in new Kapamilya teleserye

Posted at Jun 13 2012 02:28 AM | Updated as of Jun 13 2012 01:06 PM

Unang nasilayan sa toothpaste commercial. Bumida sa palabas na "Katorse" at naging patok na matinee idol. Kinakiligan ang kanilang tambalan ni Sharon Cuneta sa mga pelikulang "Dear Heart" at "P.S. I Love You." Ilang beses din siyang itinanghal bilang Best Actor. Pinili man niyang lumagay sa tahimik at tumira sa ibang bansa, muli siyang nagbalik at nasubaybayan sa mga teleserye tulad ng "Iisa Pa Lamang" at "Dahil May Isang Ikaw." Ngayon, bagong sorpresa na naman ang kanyang inihahanda para sa kanyang Pinoy fans. Gabby Concepcion, live! Bandila, Hunyo 12, 2012, Martes