Liza Soberano, nagpasampol sa pagsigaw ng 'Darna!'

ABS-CBN News

Posted at Jun 11 2017 10:56 PM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Narinig na sa unang pagkakataon ang pagsigaw ni Liza Soberano ng ''Darna''sa gitna ng kanyang spiels sa ASAP ngayong Linggo.

Isang mandirigma si Darna galing sa Planetang Marte na nagpakilala bilang Narda sa Planetang Earth.

Lumulunok ng 'meteorite' o maliit na bato mula sa kalawakan si Narda at sumisigaw ng ''Darna!'' para makapag-ibang anyo bilang bayani na nagtatanggol sa mga tao laban sa mga masasamang loob o elemento.

Ayon kay Soberano, simula nang inanunsiyo ang kanyang pagganap bilang iconic Pinay superhero, naging overwhelming na ang reaksiyon ng publiko.

“I’m nervous but I’m also excited to be embodying the iconic character. Ang preparations na ginagawa ko so far, nagli-lift ako ng weights para mag-gain ng muslces para maging malakas. Also, nagru-run po ako for cardio,” aniya.

Una nang inanunsiyo noong 2015 ang upcoming Star Cinema ''Darna'' movie.

Ani filmmaker Erik Matti, tinanggap niya ang proyekto para maipakilala niya ang karakter sa bagong henerasyon ng mga Pilipino.

Si Matti rin ang naging direktor ng pelikulang ''Honor Thy Father'' at ''Seklusyon''.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.