Coco Martin brings joy to blind fan in Spain

Posted at Jun 05 2012 11:33 PM | Updated as of Jun 06 2012 01:05 PM

Pinanganak na bulag si Elena Saturnino, isang Pinay sa Barcelona, Spain.

Pero ramdam daw niya ang lakas ng karisma ng idolong si Coco Martin kaya’t nahulog ang puso niya para sa aktor.

“By just listening to his voice, I learned to like him. I really love him as an actor, everything,” sabi ni Elena.

Sa kabila ng kapansanan, nagsikap si Elena na maging organizer ng fans club ni Coco sa Barcelona.

Sa pamamagitan ng TFC Kapamilya Fair, natupad ang pangarap ni Elena na mapalapit sa Kapamilya star.

Mas nagpakilig sa fan nang lapitan siya ng idolo habang nagpe-perform.

“Coco Martin just continue being humble. I really like you and I love you,” sabi ni Elena.

Samantala, pinakilig, hinarana at may kiss at flowers pa ang Kapamilya star na si Daniel Padilla para sa fans.

Sa likod ng tagumpay ng aktor, ang proud parents na sina Karla Estrada at Rommel Padilla na bagama’t hiwalay na ay buo ang suporta sa aktor.

“Masaya po kasi siyempre kahit hiwalay na po sila, nagsasama pa rin po as parang best friends din po. Nakakatuwa po,” sabi ni Daniel.

“Masayang-masaya dahil unang-una sa sobrang ganda ng ina, nagkaroon ng guwapong anak,” sabi ni Rommel Padilla, ama ni Daniel.

Tinuturing ngang isa sa hottest teen heartthrob ngayon ang “Princess and I” actor na nauugnay sa katambal niyang si Kathryn Bernardo.

Pero boto naman kaya kay Kathryn ang magulang ni Daniel?

“Kung ikinasasaya naman niya at inspirasyon naman niya si Kathryn, alagaan niya,” sabi ni Karla Estrada, ina ni Daniel.

“Noong time naman na sumasaya ito...nalulungkot, laging si Kathryn naman ang dahilan,” sabi ni Rommel.

Ngayon ay inspirasyon daw ni Daniel si Kathryn sa pag-arte at kanyang musika.