Jon Santos impersonates Lady Gaga, Miriam

Posted at Jun 04 2012 10:31 PM | Updated as of Jun 05 2012 02:12 PM

In character na agad si Jon Santos sa pagharap niya sa media kanina bilang Lady Gaga para sa bago niyang show na “In Person Nation” sa Teatrino simula Hunyo 15.

Inihayag din ni Jon Gaga na magti-trio sila nina Senator Miriam Defensive.

Sobra din ang paghanga ni Jon Gaga kay Korina Sanchez at ibinunyag niya na may crush siya sa kasama nito.

“I have a crush on Ted. Mayroon siyang poker face. That’s why. But I don’t know if I should pursue him because he might say ‘Stop telephoning me-e-e-e-e-e-e,’” ani Jon.

Iminuwestra rin ni Jon kung paano ang spoof niya kay Jessica Sanchez na magiging Jessica Santos.

“Tatlong palapag ang aking high heels, tawagin nating Jessica Santos,” sabi niya.

Riot din ang bersyon ni Jon Gaga ng TV Patrol line ni Noli de Castro, sa paggunita ng silver anniversary ng premier newscast ng bansa. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino