Fil-Am sings with Kelly Clarkson on ‘Duets’

Posted at Jun 04 2012 10:35 PM | Updated as of Jun 05 2012 02:12 PM

Bago napiling maka-partner ni Kelly Clarkson sa “Duets,” ang pinakabagong singing competition sa Hollywood kung saan nakakapareha ng mga contestants ang ilan sa mga malalaking pangalan sa music industry, sa bahay lang kumakanta si Jason Farol.

"It's pretty surreal, kinda feel like a dream still. It's hard to believe that I'm up there singing with Kelly Clarkson,” sabi ni Farol.

Sa Amerika lumaki ang 23 anyos na si Jason pero mahilig pa rin siya sa pagkaing Pinoy.

Pamilyar din siya sa ilang TFC shows na laging pinapanood ng kanyang mga magulang.

Noong nasa high school ay naranasan din daw niyang sumayaw ng tinikling.

"To all the Kapamilyas, I'm looking forward to meeting you, guys. I hope I make you guys proud,” sabi ni Farol.

Kamag-anak si Jason ng Pinay singer na si Claire dela Fuente.

Namana raw niya ang talento sa pag-awit sa kanyang ama.

Sa unang dalawang shows ng "Duets," pinuna ng mga supertars ang kakulangan ng confidence diumano ni Jason, bagay na ayon kay Jason ay unti-unti na niyang nai-improve.

"Performing is really new to me. I haven't performed much before. Pretty much, 'Duets' is the only time I've performed," sabi ni Farol.

Anuman daw ang mangyari ngayong linggo kung saan isang contestant ang matatanggal, wala pa ring kasing-saya si Jason dahil natupad ang kanyang pangarap na maipakita sa mundo ang kanyang talento.

Ngayong linggo, mga inspirational songs ang kakantahin ng mga contestants kasama ang kanilang mga superstar duet partners. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Cerritos, California