Richard Gutierrez accuser says only seeking truth

Posted at Jun 03 2011 10:28 PM | Updated as of Jun 04 2011 10:59 AM

Matapos ibasura ng Taguig Prosecutor's Office ang kasong serious physical injuries at malicious mischief laban sa aktor na si Richard Gutierrez at kapatid niyang si Rocky noong 2005, pinabuksan ulit ng Department of Justice ang kaso noong August 2010 matapos iapela ng mga nagreklamong sina Arnel Cruz at kaibigan niyang si Ram de Vera.

Nagbigay ito ng lakas loob na magpa-interview sina Arnel at Ram sa TV Patrol.

“Nagulat na kami kasi tuloy na ang buhay namin eh, tahimik na kami. Akala namin wala nang mangyayari. Ngayong nabuhay ulit, nakakatuwa,” sabi ni Arnel.

Sa arraignment ng kaso noong Nobyembre 2010, nag-plead sina Richard at Rocky ng "not guilty.”

Batid nina Arnel at Ram na sikat ang kalaban nila.

Wala raw silang poot o galit kay Richard. Isang bagay na lang daw ang ipinaglalaban niya ngayon.

“Hindi siya deep-seated anger that needs revenge na I want this to happen. It’s not like that. Let’s bring out the truth. For the longest time, iyon ang hinihingi ko,” sabi ni Arnel.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang ina at manager ni Richard na si Annabelle Rama tungkol sa kaso.

Aniya, nasa korte na ito.

Ganito rin ang posisyon ng abogado ng magkapatid.

June 9 muling maghaharap sina Richard at Arnel sa korte. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino