ABS-CBN News

Jessica thanks Kapamilya supporters

Posted at | Updated as of 06/02/12 10:31 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Muling namangha ang Amerika kay Jessica Sanchez kanina nang maging bisita ito sa “Today Show” ng NBC sa New York.

Inawit niya ang tatlo sa kanyang sikat na kanta mula sa “American Idol” competition kasama ang pambirit na "And I’m Telling You I'm Not Going."

Nagkagulo ang paparazzi nang lumabas na sa talent entrance ang 16 anyos na Fil-Am.

Masaya ang mga fans na nakapagpa-autograph at nakapagpakuha pa ng litrato kasama ang kanilang idolo.

“I'm so excited, she's actually my crush right now. I will leave any girl for her, I love her so much,” sabi ni Inno Espiritu, isang tagahanga ni Jessica.
 
Ayon kay Jessica, ibang-iba na ang buhay niya ngayon, matapos ang naging karanasan sa “American Idol” Season 11.

“It’s changed dramatically. This is not normal, coming out to this, and it’s just given me another step to succeeding in my career so it’s very exciting,” sabi ni Jessica.
 
Isa sa mga napabilib ng sikat na singer ay si Pangulong Aquino. Makailang ulit nang tinatanong sa Malacañang kung posible kayang magkita ang dalawa sa pagbisita ni PNoy sa US sa isang linggo.

Karangalan daw na maituturing ni Jessica kung makakaharap niya ang pangulo.

“Thank you so much for all the support, and hopefully I can meet you soon,” ani Jessica.
 
Ang lahat raw ng kanyang pangarap ay unti-unting nang natutupad, at hindi raw ito mangyayari kundi dahil sa reality singing contest.

“I’m just trying to finish this press, and then hopefully work on songs on my upcoming album,” sabi pa ni Jessica.
 
Malapit  nang magsimula ang “American Idol” tour. Hindi pa kumpirmado pero naniniwala si Jessica na may pag-asang matuloy ang kanilang pagtatanghal sa Pilipinas.

At hanggang ngayon, hindi natatapos ang kanyang pasasalamat sa mga kababayang sumuporta sa kanya.
 
“Please come to the tour if we ever do visit the Philippines. Kapamilya, I love you guys so much, thank you for all your support, hopefully I get to see you guys soon,”  sabi ni Jessica. Don Tagala, Patrol ng Pilipino, New York