'I'll Be' hitmaker readies for PH concert

Posted at Jun 01 2012 11:54 PM | Updated as of Jun 02 2012 07:54 AM

Sila ang hottest boy bands sa kanilang henerasyon. Pumalo sa P80 milyon ang record sales ng New Kids on the Block na sumikat nu’ng 80's at 90's. Phenomenal din ang success ng Backstreet Boys na best-selling boy band of all time.

Ngayon sa iisang entablado, pakikiligin nila ang fans.

Bukas darating ang grupo para sa concert sa Linggo sa Arena.

Dalawampu't limang taon na sa music scene pero love song fave pa rin ang hits niyang “Love Will Lead You Back.” Back in the Philippines ang American pop singer-songwriter na si Taylor Dayne matapos ang 15 taon.

“The Filipinos seem to like the ballads, the passionate, gut-wrenching [ones],” ani Taylor.

Pero bukod sa init ng suporta ng mga Pinoy,tumatak kay Taylor ang trapiko sa Pinas.

“Last time I was here, I couldn't get over the traffic,” sabi pa ni Taylor.

First time sa bansa pero at home agad ang singer ng hit na "I’ll Be" na si Edwin McCain.

“Everyone's been incredibly nice. I just really enjoyed meeting everyone. Everybody’s friendly. And can you believe the skyline,” sabi ni McCain.

Kuwento ni McCain, siya mismo ang naghanap ng paraan para magkapag-perform sa bansa.

“This all started because I was playing on a songwriter cruise on a ship, and there were a lot of Filipino employees working on the boat and they kept humming, saying you've got to go to the Philippines,” ani McCain.

Back to back performances ni McCain at Dayne ngayong gabi sa Arena. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino