Kathryn Bernardo the next Judy Ann Santos?

Posted at May 30 2011 10:40 PM | Updated as of May 31 2011 06:40 AM

Sa huling linggo ng “Mara Clara,” kakaiba at makapigil-hiningang pagwawakas ang dapat abangan.

May ipupuwestong LED van sa mga piling lugar sa Metro Manila para matutukan ang “Mara Clara” ng mga hindi pa makakauwi ng bahay.

Hindi naman sa teleserye nagtatapos ang pagsasama ng mga bidang sina Kathryn Bernardo at Julia Montes.

Nakalinya na ang mga proyekto sa tinitingalang mga batang bida-kontrabida.

"May project po kaming pagsasamahan na show po," sabi ni Julia. "Magkasama pa rin po kami."
   
Kinumpirma rin ni Kathryn na siya ang napipisil na gumanap sa remake ng 1997 teleseryeng “Esperanza.”

Ang palabas ay tulad ng “Mara Clara” at pinagbidahan din ng reyna ng soap opera na si Judy Ann Santos.

Indikasyon na nga ba ito na si Kathryn na ang next Judy Ann?

'Sobrang sarap ng pakiramdam kasi si Miss Judy Ann Santos, ina-idolize ko lang dati. Ngayon ay parang ako na ang susunod pero kung ano 'yung ibigay nilang project talaga, gagawin ko na lang po," sabi ni Kathryn.

Pagkatapos ng “Mara Clara” ay didiretso na sa paggawa ng kanilang unang teen drama movie sina Kathryn at Julia. Marie Lozano, Patrol ng Pilipino