Lady Gaga concert pushes through amid protest

Posted at May 22 2012 03:51 AM | Updated as of May 22 2012 12:00 PM

Sa kabila ng mga protesta, natuloy pa rin ang concert ni Lady Gaga sa Mall of Asia. Nakipagsabayan naman sa ingay ng concert ang mga nagpoprotesta na idinaan sa kanta ang kanilang pagbatikos sa pop icon. Nauna nang sinabi ng lokal na pamahalaan ng Pasay na depende sa kanilang monitoring ngayong gabi kung itutuloy pa ang ikalawang concert bukas ni Lady Gaga. At live mula sa Pasay City, magba-Bandila si Jenny Reyes. Bandila, Mayo 21, 2012, Lunes