2 Miss PH Earth beauties stung by sea urchin

Posted at May 21 2012 11:21 PM | Updated as of May 22 2012 07:21 AM

Sa ganda at kasayahan nila sa tagong beach ng Santelmo sa Hamilo, Nasugbu, Batangas, perpekto na sana ang pagtampok ng Miss Philippines Earth beauties sa kalikasan.

Ito ay hanggang sa matusok ng salungo o sea urchin si Miss Pagadian Crislet Gerona.

Apat na tinik ang dumale sa dilag na kailangang buhatin ng life guards para mabigyan ng first aid.

Mabuti at aral ang mga kapwa kandidata sa first aid para hindi mamaga ang paa ni Gerona.

“Nilalagyan ko ng suka because we’re about to go to the boat pala because the suka will melt the sea urchin,” sabi ng kandidatang si Princess Manzon.

Nabiktima rin ng sea urchin ang Venus Raj-look-alike na si Miss Paombong.

“Nilagayan nila ng vinegar. 'Yung isang tusok lang ang natanggal, 'yung tatlo hinihintay pa namin malusaw,” sabi ng kandidatang si Kristal Alonday.

Tanggap naman ng mga beauties na dadaan pa sila sa maraming pagsubok at aksidente sa gitna ng paghahanda para sa coronation night sa Linggo.

Bago ito, natapilok din sa pagrampa ang mga kandidata.

Nahimatay pa si Miss Iriga sa Bertie Bagaporo sa kapal ng tao ng Santacruzan sa Tiaong, Quezon.

Pero matapos bigyan ng first aid, tuloy pa rin ang ligaya ng mga beauties na nagtanggal pa ng plastic at ipinagdiwang ang kaarawan ni Miss San Juan Sam Purvor sa dagat.

Para mabuo ang saya, binati pa ng Miss Philippines Earth beauties ang TV Patrol sa silver anniversary nito. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino