Rita Avila relishes martyr role in 'Walang Hanggan'

Posted at May 17 2012 11:02 PM | Updated as of May 18 2012 07:02 AM

Isang seasoned actress naman ang nakikita ngayon ng publiko sa dating sexy actress na si Rita Avila na bumubuo sa trayanggulo nila nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa “Walang Hanggan.”

“Mabait ang karakter ko, true-blooded mabait. Naku suwerte ang mundo sa mga Jane Montenegro, kasi busilak ang puso na magmahal, puro ang puso at pag-iisip nila. ‘Yun nga lang, sabi nga, pinapatay ang mga martir eh,” sabi ni Rita.

Bilang isa sa may pinakamalalim na karakter sa “Walang Hanggan,” sinasalo ni Rita ang tindi ng sakit ng ‘di pa rin magmaliw na pag-ibig ng mister niya na si Richard para kay Dawn pati na ang sikolohikal na kundisyon ng anak niyang si Paulo Avelino.

“Talagang lahat kami nagkakapaan and yet andu'n ang thrill that you’re working with the one of the best people, sina Tita Susan and Tita Helen, wow, mga reyna talaga,” sabi ni Rita.

Mas lalo pang aabangan kung pagsasakluban ng langit at lupa si Jane Montenegro sa sandaling malaman niya na anak nina Richard at Dawn si Coco Martin. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino