Lani Mercado's mother passes away

Posted at May 17 2012 10:50 PM | Updated as of May 18 2012 06:50 AM

Malaking dagok kay Kongresista Lani Mercado ang paglisan ng kanyang 87 anyos na inang si Justa Hernandez mismo sa Mothers’ Day noong Linggo.

Pero inihabilin na niya ang lahat ng kanyang damdamin sa ina matapos ng cremation nito sa Heritage, Taguig kahapon.

Inilagak ang kanyang mga labi sa Kubling Kalikasan sa Antipolo.

“I-treasure mo talaga ‘yung time with your mom, malaging bagay ‘yun, habang buhay. Every Mothers’ Day will be a big celebration for all of us in memory of my mom. Talagang marunong siyang pumili ng playdate,” sabi ni Lani. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino