ABS-CBN News

Angeline debuts bikini bod in new film

Posted at | Updated as of 05/18/12 11:12 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Kakilig-kilig na eksena at patok na linya. Ito ang dahilan kaya sa unang araw palang, tumabo na sa takilya ang romantic-comedy film nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban na “Every Breath U Take.”

Ayon sa Booking at Distribution ng Star Cinema, P10 milyon na ang kinita nito sa unang araw pa lang sa big screen.

“Nakaka-overwhelm, nakakataba ng puso, thank you talaga,” sabi Angelica.

The show must go on nga para kay Angelica na kapansin-pansing may lungkot sa mata nu’ng premiere night.

Nitong linggo, kinumpirma pa sa publiko ni Derek Ramsay na hiwalay na sila ni Angelica matapos ang higit limang taong relasyon.

Masusubok din ang chemistry ng “Star Power” champion na si Angeline Quinto at Drama Prince na si Coco Martin para sa first team-up nila sa "Born to Love You."

Panay tuksuhan ang dalawa sa set, lalo na sa eksena ni Angeline na naka-bikini.

“Binibiro namin siya, ‘Lagot ka, inaabangan na namin ‘yung pag-two piece mo,’” sabi ni Coco.

“Sabi ko hindi ko pa panahon, binigyan nga ako ng pelikula, two-piece naman agad,” sabi ni Angeline.

Isa pang aabangan ang kissing scenes nila ni Coco ng ilang beses.

“Kailangan po talaga at gusto ko naman,” ani Angeline.

Magpapakilig din ang apat na young actors sa "The Reunion." Pero ang isa sa bidang si Enchong Dee, time-out muna sa shooting at nagpakitang-gilas sa pagkanta at pagsayaw.

Ibinuking din ni Enchong ang sikreto kaya siya fit.

“Grab a nap if you can, vitamins, napaka-importante, and don’t skip a meal,” sabi ni Enchong.

Kasama ni Enchong sa "The Reunion" sina Xian Lim, Kean Cipriano at Enrique Gil. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino