PNoy rooting for Idol's Jessica Sanchez

Posted at May 17 2012 12:09 AM | Updated as of May 17 2012 08:09 AM

“Matutuwa ka naman din na number 3 na siya at ‘yung naso-solicit niyang support from the communities that are eagerly watching her. Hopefully she really reaches the top,” sabi ng Pangulo.

Sa Los Angeles, California, isang dating artista dito sa Pilipinas na si Bernardo Bernardo ang aktibong tumutulong para makamit ni Jessica Sanchez ang panalo bilang American Idol.

Siya mismo ang gumagawa ng mga posters na inilalagay niya sa Facebook na iboto si Jessica.

Hinahanap niya ang pinakamagandang larawan nito para mas maengganyo ang iba na bumoto.

Hinihikayat niya ang mga Pinoy at maging ibang lahi na bumoto rin.

Ayon pa kay Bernardo, nagsimula ang pagiging aktibo niya nang muntik nang matanggal si Jessica sa mga finalist.

Panawagan niya na ibuhos ang suporta para sa ating kababayan.

Bihira lamang daw kasi na makaboto kahit wala sa Amerika.

“Feeling ko, ‘yung emotion ko, may paniniwala ako na I can help. Mensaheng gusto kong iparating ay ‘yung magkaroon ng pagkakataon na isang Filipino talent, na maipagmalaki natin sa lahat,” sabi ni Bernardo.

Ganito rin ang suportang binibigay ng grupo ni Hydee Abrahan, isang photographer sa Los Angeles.

Nagsimula raw nilang gawin ito nang mapasama si Jessica sa top 12.

Nagkakaroon sila ng tinatawag na voting party kung saan sabay-sabay silang nanonood ng American Idol at bumoboto online para kay Jessica.

“Nagti-tweet kami, nagpo-post kami sa Facebook ng mga pictures para ma-encourage din ‘yung iba naming Facebook friends and Twitter friends na mag-boto. Siyempre proud na proud kami, kasi I think it's time na magkaroon na ng Pinoy sa American Idol.”

Gamit din ang social media, nanghihiyakat sila ng ibang Pinoy na bumoto gamit ang ilang posters. Sol Aragones, Patrol ng Pilipino

Mga Kapamilya, makibahagi sa Bayan Mo iPatrol Mo, mag-email sa [email protected] o mag-post sa Bayan Mo, iPatrol Mo Facebook at sa Twitter account na @bayanmo.