Sam returns to PH after 3-month stay in NY

Posted at May 15 2012 11:29 PM | Updated as of May 16 2012 01:56 PM

Matapos ang higit tatlong buwan na walang tigil na pag-o-audition sa Amerika, biyaheng Pinas si Sam Milby bukas.

Pero hindi raw ito nangangahulugang tatalikuran na ni Sam ang Hollywood dream.

Malaki ang naitulong kay Sam ng karanasang sa New York.

Kaya sa susunod na casting season sa New York ay itutuloy ni Sam ang pakikipagsapalaran.

“All the casting directors really noticing me, liking me, that's a big thing. Let alone my agency that is taking me in,” sabi ni Sam.

Ayon kay Maric Phillips, director for primetime casting ng ABC Entertainment, malaki na ang potensyal ni Sam.

“It takes a while, so it's not going to be a quick fix but everybody that meets him and everybody that auditions him loves him. The building blocks are all there so we're very excited about him,” sabi ni Phillips.

Hindi rin daw problema kung mawala man si Sam nang matagal sa US.

“Somebody like Sam, they come back and ‘Oh great, come on in,’” sabi ni Phillips.

Naipakita rin ni Sam ang husay sa pagkanta.

Special guest si Sam sa kauna-unahang concert ng Broadway star na si Anna Maria Perez de Tagle na binansagang 'next Lea Salonga.'

Nominado si Anna Maria bilang Best Featured Actress in a Musical sa Broadway World 2012 Theater Awards.

Napabilib naman sa galing ng performance ni Sam ang manager ni Anna Maria na si Kevin Jonas Sr., ama ng mga Jonas Brothers.

“Amazed at his talent, obviously the girls love him but I was also amazed because I knew of him, how humble and really sweet a guy he is so,” sabi ni Jonas Sr.

Inaasahang mapapasabak siya sa teleserye, music album at pelikula sa pagbabalik Pinas. Don Tagala, Patrol ng Pilipino, New York