Pinay 'Idol' alum backs Jessica

Posted at May 15 2012 11:25 PM | Updated as of May 16 2012 01:57 PM

Gaya ni Jessica Sanchez, 16 anyos lang si Thia Megia nang napasabak sa “American Idol” nu’ng isang taon. Umabot si Thia sa top 11. Mahirap pero sulit naman daw ang mapasali sa sikat na kumpetisyon.

"After every rehearsal, the minors would have to go backstage to do some school work for at least three hours. That was really challenging for us. But I guess you could say it depends on how much you really want this,” ani Thia.

Sinusubaybayan din daw ni Thia ang “Idol” ngayong taon dahil suportado nila si Jessica.

Nakatrabaho na ni Thia si Jessica sa isang project nu’ng siya ay 13 taong gulang pa lamang.

“I'm just so proud at how well she's doing. Just stay as amazing as you are and just keep going,” sabi ni Thia.

Nagbiro naman si Thia nang tinanong kung ano ang sikreto ng mga Pinoy sa pagtatagumpay sa mga talent competitions.

"I think it's the bagoong,” pagbibiro ni Thia.

Sa ngayon, abala sa pagpe-perform si Thia kasama ang season nine winner na si Lee Dewyze at iba pang “Idol” finalists sa isang concert series sa Amerika.

Samantala, nagpadala naman ng video ang Bayan Patroller na si Rick Malacas mula Chula Vista, California. Kapitbahay siya nina Jessica at nakunan niya sila ng video bago pumunta sa homecoming parade at mini-concert.

Sa 11 taon ng “American Idol,” ilang Pilipino na rin ang nagpakita ng world-class talent ng mga Pinoy. At dahil sa kasikatang natamo nina Jessica at Thia, hindi malayong mas lalo pang dadami ang mga sasaling kababayan sa mga susunod na taon. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Los Angeles, California