ABS-CBN News

Asistio seeking P20-M from Annabelle over libel

Posted at | Updated as of 05/16/12 7:17 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Kasama ang partner niyang si Nadia Montenegro, nagsampa ng kasong libelo at unjust vexation sa Caloocan Prosecutor’s Office si dating Caloocan Mayor Macario “Boy” Asistio laban kay Annabelle Rama.

Ayaw na sanang makialam ni Asistio sa away nina Nadia at Annabelle pero nasaktan din daw siya sa paninira umano ni Annabelle sa kanya sa Twitter.

“’Yung mga anak ko raw, hindi ako ang tatay eh. Kung sabihin ko kaya ‘yan sa kanila, hindi kaya sasama ang loob nila?"

"Binanggit ‘yung pamilya namin, eh may mga kapatid ako na congressman, isang babae, isang lalaki. Pati ako tinatanong ng mga pamangkin ko eh, ‘Tito Boy, ano ba ‘yan?’ Sana makulong na ‘yan, para matigil, kasi kung hindi baka makapagdaldal pa ‘yan,” ani Asistio.

Nauna nang pinagtibay ng Quezon City Prosecutor’s Office ang 14 counts ng libelo na sinampa ni Nadia laban kay Annabelle.

Tumanggi muna ang abogado ni Annabelle Rama na si Howard Calleja na mag-komento sa bagong kaso hanggang ‘di nila natatanggap ang opisyal na kopya nito. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino