Ang 'Dear Other Self' version ni Jodi Sta. Maria

ABS-CBN News

Posted at May 09 2017 01:35 AM

Watch also in iWantv or TFC.tv

Sa pelikula niyang malapit nang ipalabas, magtatagisan ang puso't isip at lalabas ang dalawang posibilidad sa kanyang buhay, depende sa pipiliing desisyon ng kanyang karakter. 

Sa totoong buhay, balak ni Jodi Sta. Maria na gawin ang 'Dear Other Self' version niya.
 
Ibinunyag ni Sta. Maria na plano niyang bumalik uli sa pag-aaral ng medisina. Mahalaga raw kasi sa kanya ang maging mabuting halimbawa sa kanyang anak na si Thirdy. 

"I think it's also because, partly, I am motivated by my being a mother; I really want to put a premium on education, it's because I have a son and I want to be able to set a good example," sabi ni Sta. Maria. 

Samantala, pagkatapos magawaran ng pagkilala bilang Best Supporting Actor ng Gawad Tanglaw sa pelikula niyang "Everything About Her", ninanamnam naman ni Xian Lim ang pagkakataong matuto mula sa mga nakakasamang aktor gaya ni Sta. Maria. 

Hindi kasama sa pelikula o telebisyon ni Lim ngayon si Kim Chiu, kapareha niya sa maraming proyekto. 

Sa ngayon ay marami siyang natututuhan, at gusto ring makatambal ang iba pang aktres. 

Magkasama sina Lim at Sta. Maria, pati na rin si Joseph Marco, sa 'Dear Other Self' na mapapanood sa mga sinehan sa Mayo 17. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.