Jessica Sanchez makes it to 'Idol' top 4

Posted at May 05 2012 12:05 AM | Updated as of May 05 2012 11:02 AM

Gaya ng dati, pinakaba muna ng host na si Ryan Seacrest ang mga contestants bago inanunsyo ang resulta.

 

Tagumpay na nakasama sa top four si Jessica.

 

Ang country singer naman at sinasabing malakas ang laban sa finals na si Skylar ang nagpaalam bagama't paborito siya ng judges at ilang kritiko.

Umabot ng 60 million votes ang pumasok para sa top five  contestants ngayong linggo.

Sa show, nabanggit ni Jessica na hindi pa rin siya makapaniwala na narating niya ang kanyang kinalalagyan ngayon.

Kung mananalo sa edad na 16, si Jessica Sanchez ang magiging pinakabatang Idol winner.

Kahapon, sa mga social media networks kung saan aktibo ang kampanya ng mga kababayan para kay Jessica, medyo kinabahan ang ilan sa higpit ng kompetisyon.

Pero malakas pa rin ang paniwala nilang mananalo ang Pinay.

“Maraming taong nagsu-support kay jessica, maraming gustong manood at maging proud dahil may Pilipino tayong nagre-represent sa American Idol,” sabi ni Jill Sarmiento, isang tagahanga ni Jessica.

Maging ang international singer na si Arnel Pineda ng Journey, proud din kay Jessica.

“You go, Jessica. Keep on rocking America. I’m with you,” sabi ni Pineda.

Kung magtatagumpay ulit sa isang linggo, mapapantayan na ni Jessica si Jasmine Trias, ang unang Pinay sa American Idol na nakapasok sa top three. Yong Chavez, Patrol ng Pilipino, Los Angeles, California