Francis Libiran recounts meeting Tyra Banks

Posted at May 05 2012 02:34 AM | Updated as of May 05 2012 12:21 PM

First love man niya ang architecture, sa fashion design umugong ang kanyang pangalan. Nag-aral sa Fashion Institute of the Philippines at nakilala sa kanyang mga modernong istilo ng pagdidisenyo. Kailan lang ay inirampa ng international supermodel na si Tyra Banks ang kanyang likha at itinampok pa ang kanyang Hello Kitty-inspired creations sa “America's Next Top Model: British Invasion.” Francis Libiran, live! Bandila, Mayo 4, 2012, Biyernes