Mommy D gets P3-M worth van for birthday

Posted at May 01 2012 10:15 PM | Updated as of May 02 2012 12:05 PM

Abala na sa paghahanda sa kanyang birthday party sa May 15 si Mommy Dionisia.

Ginagawa pa raw ang kanyang mala-prinsesang gown at may sorpresa raw siya sa gabi ng pagdiriwang.

“May ipapakita ako sa lahat ng mga bisita ko, may intermission ako, pati damit hindi nila alam,” sabi ni Mommy D.

Hindi makadadalo sa party ang anak na si Congressman Manny kaya naman may advanced birthday gift na ang anak sa kanya.

“Wala na akong masabi sa anak ko. Ito na ang advance na regalo niya sa akin sa birthday ko,” sabi ni Mommy D.

Tumataginting na P3 milyon ang halaga ng van na ito na kung isalarawan ni Mommy D ay parang eroplano raw.

“Good luck, anak, sa laban mo. Galingan mo. Nandito lang ako sumusuporta sa iyo. Pagdarasal ang importante. Magdasal tayo. Huwag mo kalimutan mag-sign of the cross. Suntukin mo ang kalaban mo, kaliwa at kanan,” sabi ni Mommy D.

Hindi manonood ng live na laban ng anak si Mommy D.

Pero kampante siyang muling mananaig ang kamao ng anak.

Masaya ang ina sa katayuan ngayon ni Manny lalo pa at mas napalapit umano ito sa Panginoon.

Ibinibenta naman ni Mommy D ang dalawang taong mansiyong ito.

Hirap na raw kasi ito sa pag-akyat-baba ng hagdan.

Kaya naman sa ngayon ay sa lumang tahanan niya sa General Santos siya maninirahan muna. Chat Ansagay, Patrol ng Pilipino