ABS-CBN News

Daniel Padilla admits liking Kathryn

Posted at | Updated as of 05/02/12 12:05 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa wakas, ipinalabas na kagabi ang “America's Next Top Model” episode tampok ang Filipino Designer to the Stars na si Francis Libiran sa isang special screening sa isang bar sa The Fort.

Tila parang nasa alapaap daw sa saya si Francis.

“Overwhelmed ako sa mga nangyayari. Talagang napa-upo ako in one corner and nagpasalamat nang todo-todo,” sabi ni Francis.

Nagpapasalamat din si Francis dahil todo ang pag-suporta ng host ng show na si Tyra Banks sa Pinoy designers at ang pagsuot ni Tyra ng kanyang gawa sa events sa Amerika.

“Given the chance to use local fabrics, basta to promote the Philippines OK ako doon,” sabi ni Francis.

Spotted din sa event ang 17-year-old actor at isa sa bida ng “Princess and I” na si Daniel Padilla.

Unti-unti na raw nararamdaman ni Daniel ang kasikatan dahil sa pagtangkilik ng fans pero pagdidiin niya, wala raw nagbago sa kanya.

“Kapag walang taping, nagba-basketball ako, nakatambay sa labas o nagpa-practice kasama ang banda. Gusto ko maging sikat na rock star sa banda,” sabi ni Daniel.

Kasama rin ni Daniel sa event ang “Princess and I” co-star na si Kathryn Bernardo.

Sa tanong kung nagkakamabutihan na ba sila ng aktres?

“Hindi ko naman itinatago na gusto ko si Kathryn. Medyo naha-hassle lang ako ngayon mangligaw, baka puro selos abutin ko. Talagang ugali ng Padilla ang pagiging seloso. Sino po bang gustong may kahati?” sabi ni Daniel.

Prayoridad ngayon ni Daniel ang lalong mahasa bilang actor at makagawa ng pangalan para sa sarili lalo na't todo ang pagsuporta sa kanya ng pamilyang galing sa showbiz.