Loved ones remember AJ with fondness

Posted at Apr 26 2011 11:35 PM | Updated as of Apr 27 2011 07:35 AM

“I hope you will never forget AJ. All that remains now are memories which I will treasure for the rest of our lives,” sabi ng ama ni AJ Perez na si Gerry.

Walang bukambibig si Gerry kundi ang labis na pagmamahal sa panganay.

Tulad ng sugat na tinamo niya sa aksidente, hindi pa naghihilom ang sakit at panghihinayang sa maagang pagpanaw ni AJ.

“I just have to be strong for him. If that’s the way he wants it to be, I’ll do it for him,” sabi pa ni Gerry.

Pabaon naman ni Angelo sa kanyang kuya ang kanilang magagandang alaala.

“If I were to describe my brother he would be hardworking, loving and an inspiration,” sabi ni Angelo.

Mas nakilala raw ni Angelo ang kuya nang mabasa nito ang mga huling mensahe nito sa cellphone ng aktor.

“Based on what I read, AJ was really a great guy and he loves Steph so much,” dagdag pa ni Angelo.

Ayon sa bestfriend at pinsan ni AJ na si Renzo Sarte, mahal na mahal ni AJ ang girlfriend niyang si Steph Ayson.

“Steph, I just want you to know important you were kay AJ. You were the only one he ever felt this way for,” sabi ni Sarte.

Dito bumuhos ang luha ni Steph.

“AJ, we will miss you. I will always love you,” sabi ni Steph.

Labis din ang pangungulila ng mga kaibigan ni AJ sa showbiz.

“Bantayan niya ang family niya and huwag niya pababayaan ang mga nagmamahal sa kanya,” sabi ni Empress Schuck.

“Never siya nagrereklamo. You will never hear any complaint at all from him and he’s always smiling,” pahayag ni Sam Milby.

“I will miss him,” sabi ng aktres na si Jessie Mendiola.

Malaking kawalan si AJ. Pinakaramdam ito ng pinakamamatalik niyang kaibigan at kagrupo.

“We’ll see him in heaven. I’m sure happy siya ngayon,” sabi naman ni Aaron Villaflor.

Hindi man na nila kapiling si AJ, mananatili silang bahagi ng kanilang buhay. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino