ABS-CBN News

Preps for Erich Gonzales-Mario Maurer movie start in Thailand

Posted at | Updated as of 04/20/12 7:13 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Tuloy na tuloy na. Gumulong na nga ang story conference ng first team-up ni Erich Gonzales sa heartthrob ng Thailand na si Mario Maurer.

Mismong sa Thailand pa ginawa ang pagpaplano sa pelikula na may working title na "Suddenly It's Magic."

Kuwento ito ng Thai superstar na na-in love sa Pinay.

“He gets very bored of the career and one day he just decided to go to the Philippines and met Erich,” sabi ni Mario.

“Pastry chef ako rito tapos galing ako sa isang bad relationship na may pagka-bitter pagdating sa love and then I meet this Thai guy na talagang magbabago ng buhay ko,” sabi ni Erich.

Sa sandaling nagkasama, halatang mabilis na napalapit ang loob nila sa isa't isa.

“Erich is funny... for me she is not a woman, she's a man. Joking. She can rap and beat box. [You’re] kind of crazy” sabi ni Mario kay Erich.

Isa sa unang tinuro naman ni Mario kay Erich ang salitang 'I love you' sa kanilang lengguwahe.

Game rin si Mario na ilibot ang Pinay sa Thailand.

Sa Bangkok, Thailand at Ilocos ang dalawang major shooting locations ng kanilang pelikula.