KC, Anne and Derek to star in one movie

Posted at Apr 19 2012 11:10 PM | Updated as of Apr 20 2012 07:10 AM

Surpresang inihayag ngayon ang pagtatambal sa pelikula nina Anne Curtis at KC Concepcion sa love story na "Nothing Compares to You" sa direksyon ni Noel Naval.

Pag-aagawan nila ang pag-ibig ni Derek Ramsay.

Nilinaw naman ng Viva Entertainment na hindi pamalit si KC kay Cristine Reyes sa project at hindi rin ito sequel sa blockbuster na “No Other Woman.”

“Sa lahat ng pinagdaanan ko, kailangan ko na talaga ng outlet so this is going to be fun and working with Anne also, I’d love to get to know her more,” sabi ni KC.

“It’s super exciting. I think we are all excited to be working with each other. First time eh,” sabi ni Anne.

Inihahanda naman ang ibang project para kay Cristine kasunod ng kanyang proklamasyon bilang box office queen ng Guillermo Mendoza Foundation kasama si Anne.

Nakiusap din ang manager niyang si Veronique del Rosario na bigyan muna ng katahimikan si Cristine matapos ang kontrobersyal na pagdemanda sa kanya ng kapatid na si Ara Mina ng libelo at pananakot.

Kumikislap din ang bituin ng Star Magic talent na si Vangie Martell.

Matapos magkontrabida sa “Mara Clara,” bida naman ngayon si Vangie bilang isa sa top favorites sa Miss Bikini Philippines 2012.

“I am pretty. I am confident enough that I am beautiful,” sabi ni Vangie.

Kumpiyansa naman ang ibang kandidata na masusungkit nila ang Miss Bikini title.

“My best asset is my height,” sabi ni Priscilla dela Cruz.

“I am more determined and dedicated to win the crown,” sabi naman ni Abbygale Mandrin.

Magkakasubukan na sa confidence at ganda ng katawan sa pageant night sa April 27 na ihahatid ng Studio 23. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino