Kim says Xian deserving of fame

Posted at Apr 17 2012 11:17 PM | Updated as of Apr 18 2012 07:17 AM

Imbes na siya ang bigyan ng regalo, si Kim Chiu pa ang namahagi ng regalo sa mga bisita sa kanyang pre-birthday treat.

Pinili ni Kim na i-celebrate ang birthday kasama ang mga batang ulila sa Quezon City. Paglingon din ito sa kanyang pinagmulan.

“Malapit ang loob ko sa mga batang walang magulang, kasi laking-lola ako, wala rin akong magulang. I have my dad, pero wala siya sa side ko,” ani Kim.

May shooting si Kim sa mismong birthday niya sa April 19. Kabilang sa kanyang next project ang balik-tambalan nila ni Gerald Anderson sa Star Magic 20th anniversary film.

Pero nagkakailangan nga ba ang dating naugnay sa isa’t-isa?

“OK lang naman. Walang kung anuman, trabaho ito. Magkaibigan naman kami, never kami nag-away” sabi ni Kim.

Sorpresa naman ang pagbati kay Kim ng bagong nali-link sa kanya.

“Kim, happy, happy birthday. Sana ngayong birthday mo masaya ka,” pagbati ni Xian Lim.

Ikinakasa na ang teleserye at pelikula nina Kim at Xian. Ngayon, pagkakataon naman ni Kim na depensahan si Xian sa mga nagsasabing ginamit siya ng aktor para sumikat.

“Hindi naman siguro, wala naman akong ginawa sa kanya. Deserving naman siya kung nasaan siya ngayon dahil sa talent niya,” sabi ni Kim.

Umamin din si Kim na may ilang nanliligaw sa kanya, pero ingat na si Kim na ma-in love muli.

“Wala akong ideal man, wala akong ideal boyfriend kasi baka mag-fail lang, na gusto ko ganito, na sa ending, iba pala. Gusto ko lang maramdaman na mahal ako,” ani Kim.

Single man, taken naman ang puso ni Kim sa sobrang dami ng project kabilang ang pelikula nila ni Governor Vilma Santos. Gretchen Fullido, Patrol ng Pilipino