ABS-CBN News

Pharmacy cum laude awarded Bb. Pilipinas-Universe

Posted at | Updated as of 04/17/12 6:59 AM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Mapa-swimwear o evening gown ay mahigpit ang laban ng 30 Pinay beauties sa Binibining Pilipinas 2012.

Pero mas uminit ang kumpetisyon nang mapili ang top 12 semi-finalists.

Pero sa question and answer portion talagang nagkasubukan ng husay at kumpiyansa.

Ang iba naman ay dama ang kaba.

Tila sumablay man sa question and answer, tinanghal na second runner-up si Annalie Forbes.

“Communication helps us reach to our relatives, our loved ones that we truly love. This love reminds me of a quote by Mother Theresa saying in this world, you cannot do great things. You can only do small things with great love,” sagot ni Forbes sa question and answer portion.

“Super thankful ako na binigyan nila ako ng opportunity na makasama sa top 5 ng Binibini at super saya ko talaga,” dagdag pa ni Forbes.

First runner-up naman ang pinakamatangkad na kandidata na si Elaine Kaymoll.

Panalo naman bilang Binibining Pilipinas-Tourism si Katrina Jayne Dimaranan.

Binibining Pilipinas-International naman ang half-German, half-Cebuana na si Nicole Schimitz na second timer na sa pageant scene.

Pambihira naman ang saya ng kinoronahang Binibining Pilipinas-Universe na si Janine Tugonon, isang BS Pharmacy cum laude mula UST.

Kuwento ni Janine, nagdalawang-isip pa siyang sumali ulit sa kumpetisyon.

“Joining again really was a big discussion in our family. Maraming umayaw din pero mayroon ding may gusto. Dito napatunayan ko na when God really plans something for you, it really happens,” sabi ni Janine.

Oktubre lalaban si Janine sa Miss Universe pageant sa Amerika. Ginger Conejero, Patrol ng Pilipino