ABS-CBN News

EXCL: 14 libel cases up, 1 child abuse case down vs Annabelle

Posted at | Updated as of 04/17/12 12:20 PM
Watch more shows on iWantv or TFC.tv

Sa 30-pahinang resolusyong ibinahagi ng Quezon City Chief Prosecutor’s Office sa TV Patrol, iginiit ng fiscal na walang sapat na ebidensya na kasuhan si Annabelle ng child abuse. Nasa direktang supervision pa rin daw ni Nadia ang working hours ng kanyang mga anak at wala kay Annabelle.

Pero kinatigan naman nito ang pagsampa ng 14 na kasong libelo sa talent manager kaugnay ng mga kontrobersyal nitong tweets laban kay Nadia nu'ng Setyembre hanggang Disyembre 2011 tungkol sa kanyang pagkatao.

Totoo man daw o hinde, malisyoso pa rin ito at labag sa batas.

“The Quezon City Prosecutor’s Office is very mindful of the fact that the charge and counter-charges have already affected a lot of lives, and therefore, within the timeframe allowed by the rules, our office has accordingly issued a resolution,” sabi ni Irene Resurrecion, Chief Executive Reviewer ng Quezon City Prosecutor’s Office.

Dahil naman sa kakulangan ng probable cause, dinismis ang kasong attempted kidnapping na isinampa ni Annabelle laban kay Nadia. Nag-ugat ito sa pagdala ni Nadia ng pulis sa opisina ni Annabelle sa Timog, Quezon City noon.

Pero nirekomenda naman ang pagdemanda ng unjust vexation kay Nadia. Ibininasura din ng fiscal ang attempted physical injuries laban kay Annabelle.

“This is a very comprehensive and objectively prepared resolution. Patas talaga. Kung sino man ang hindi makatanggap na tama ang resolution, puwede silang mag-file ng motion for reconsideration,” ani Donald Lee, ang Quezon City Chief Prosecutor.

Ikinatuwa naman ni Annabelle ang pagbasura ng child abuse at wala naman itong basehan at kathang isip lang umano. Ipinagbaliban naman ng kampo ni Nadia na magkomento sa isyu.

Kanina, pina-police blotter naman ng kolumnistang si Chito Alcid si Annabelle dahil sa umano’y mga banta nito sa Twitter kaugnay ng mga komento niya tungkol kay Annabelle at Amalia Fuentes.

Na-ospital naman si Nadia kagabi kaugnay ng abnormal at mabilis na pintig ng puso. Mario Dumaual, Patrol ng Pilipino.